Luzon grid, muling ilalagay sa yellow alert

Muling ilalagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid.

Sa abiso ng NGCP, iiral ang yellow alert mamayang alas-9 ng umaga na magtatagal hanggang alas-4 ng hapon ngayong araw ng Biyernes.

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 11,203 megawatts ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman sa 10,619 megawatts ang peak demand.


Ang detalye ng dahilan ng pagdedeklara ng yellow alert ay iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) sa araw na ito.

Facebook Comments