Luzon grid, muling ilalagay sa Yellow Alert ngayong hapon

Muling ilalagay sa Yellow Alert status ang Luzon grid ngayong hapon at mamayang gabi.

Ito ay bunsod pa rin ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon grid dahil sa mga force outages at maintenance shutdown ng mga power plant.

Batay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, isasailalim sa yellow alert ang Luzon grid sa pagitan ng alas 3:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon at alas 8:00 ng gabi hanggang alas 11:00 ng gabi.


Nabatid na nasa 14,902 megawatts ang available na capacity sa Luzon grid gayung nasa 13,823 mw ang inaasahang demand ngayong araw sa suplay ng kuryente.

Samantala, sinabi ni Department of Energy Asec. Mario Marasigan na isa rin sa nakaapekto ng pagpapatupad ng yellow alert ay ang pagtaas ng konsumo ng kuryente ng publiko dahil sa abnormal na pagtaas na temperatura ngayong summer.

Facebook Comments