Luzon grid, muling inilagay sa yellow alert status

Manipis na naman ang suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Ito ay matapos na muling inilagay sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid.

Sa ilalim ng yellow alert, ang reserbang kuryente ay manipis pero hindi nangangahulugan na magdudulot ito ng brown out o pagkawala ng kuryente sa ilang lugar.


Sa abiso ng NGCP, iiral ang yellow alert mamayang alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga at mamayang alas-12 ng tanghali ngayong araw ng Martes.

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 11,172 MW ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman sa  10,466 MW ang peak demand.

Facebook Comments