Magpapatupad muli ang National Grid Corportation of the Philippines (NGCP) ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente.
Ito ay makaraang isailalim muli sa Yellow at Red Alert status ang Luzon Grid ngayong araw.
Kabilang sa posibleng mawalan ng kuryente ay ang ilang bahagi ng Metro Manila, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Quezon, Camarines Sur at Albay.
Pero ayon sa NGCP, maaari pa itong makansela kung bubuti ang kondisyon o bababa ang demand sa kuryente.
Una nang nagbabala ang NGCP ng isang linggong rotational brownout dahil sa manipis na suplay ng kuryente na bunsod naman ng pagbigay ng ilang power plant.
Facebook Comments