Luzon grid, muling isinailalim sa yellow alert

Dalawang beses isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserbang kuryente kasunod ng pagpalya ng Masinloc Power Plant sa Zambales.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, marami pang planta ang hindi rin gumagana habang ang iba naman ay bawas ang produksyon ng kuryente.

Kaya dapat aniya ay maging masinop ang mga konsumer sa paggamit ng kuryente.


Sabi naman ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, hindi man mauwi sa brownout ang pagpalya ng mga planta, puwede namang magkaroon ng pagmahal sa singil sa kuryente.

Batay sa datos ng Meralco, nasa 10,180 megawatts ang pinakamataas noong Marso 21 pero inaasahang lolobo pa ang konsumo habang patindi ang init ng panahon.

Facebook Comments