Manila, Philippines – Muling isinailalim sa yellow alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid.
Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa buong Luzon.
Sa abiso ng NGCP, nakasailailm sa yellow alert ang Luzon Grid mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at alas 2:00 hanggang alas 3:00 ng hapon.
Sa ngayon ay mayroong 10,473 megawatts na available capacity sa Luzon.
Nasa 9,676 megawatts naman ang kinakailangang supply kapag peak hour.
Ayon sa NGCP, ang manipis na reserba sa kuryente sa Luzon ay dahil sa hindi inaasahang shutdown sa ilang power plants at bunsod na rin ng mataas na demand sa kuryente.
Facebook Comments