Luzon grid, muling isinailalim sa yellow alert ngayong araw

Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) sa yellow alert ang buong Luzon grid.

Ito ay epektibo alas-nueve kaninang umaga hanggang alas-kwatro ng hapon at muling itataas sa yellow alert ng alas-sais hanggang alas-diyes ng gabi.

Ayon sa NGCP, masyadong manipis ang available capacity ng mga planta na 10,638 megawatts.


Inaasahan kasi na aabot sa 9,989 megawatts ang peak demand sa kuryente ngayong araw.

Kasabay nito, muling umapela sa publiko ang NGCP na magtipid sa pagkunsumo ng kuryente para maiwasan ang power interruptions.

Facebook Comments