Nakataas ngayon ang Red Alert sa Luzon Grid dahil sa kulang na reserba sa kuryente.
Ang naturang Red Alert ay ipinatupad simula kaninang ala-1:00 ng hapon hanggang mamayang alas-8:00 ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), pitong planta ng kuryente ang naka-force outage o bumagsak ang operasyon.
Habang, nadagdagan naman ang bilang ng mga planta na humina ang produksyon ng kuryente.
Samantala, sinabi pa ng NGCP na asahan na ang rotational brownouts dahil sa Red Alert sa Luzon Grid.
Una nang inilagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid kaninang alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Facebook Comments