Manila, Philippines – Ibinaba na sa yellow alert status ang buong Luzon Grid.
Kaninang alas onse ng umaga nang itaas ito sa red alert status kasunod ng mga hindi inaasahang shutdown ng ilang planta ng kuryente dahil sa kakapusan ng suplay at halos kawalan ng reserba.
Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mananatili ang yellow alert sa Luzon Grid hanggang mamayang alas otso ng gabi.
Kabilang sa mga plantang bumigay ay ang calaca 2 sa batangas; GN power 2 sa Bataan; Masinloc 1 sa Zambales; Sual 2 sa Pangasinan at Pagbilao 1 sa Quezon Province.
Umabot sa 1,960 megawatts ang nawalang kuryente matapos na mag-shutdown ang mga nabanggit na power plant.
Facebook Comments