Luzon grid, pitong oras na ilalagay sa yellow alert status

Pitong oras na ilalagay sa Yellow Alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang   Luzon grid ngayong araw ng Huwebes.

 

Ibig sabihin, manipis ang suplay ng kuryente pero hindi ito magdudulot ng brown out o pagkawala ng kuryente sa ilang lugar.

 

Sa abiso ng NGCP, iiral ang yellow alert  mula  9:00AM hanggang 4:00PM ngayong araw ng  Huwebes.


 

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 11,281MW ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman sa  10,726MW ang peak demand.

 

Ang detalye ng dahilan ng pagdedeklara ng yellow alert ay  iaanunsyo ng Department of Energy sa araw na ito.

Facebook Comments