Luzon grid,muling isinailalim sa yellow alert ng NGCP

Isinailalim ngayong araw ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert.

Ayon sa NGCP,  iiral ang yellow alert sa Luzon mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-onse ng umaga at ala-una ng hapon hanggang alas-kwatro ng hapon at alas-sais ng gabi hanggang alas-otso ng gabi.

Ito ay dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.


Ayon sa NGCP, mayroong 11,095 megawatts na available capacity sa Luzon habang 10,300 Megawatts ang peak demand.

Facebook Comments