Luzon, muling sasailalim sa yellow alert status mamayang hapon

Muling magpapatupad ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow alert status sa Luzon.

Ayon sa abiso ng NGCP, iiral ang yellow alert mamayang ala una ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 12,034 megawatts ang system capacity ng Luzon grid habang aabot naman ang peak demand ay 11,293 megawatts.


Facebook Comments