Luzon-wide class suspension, kinontra ng CHED

Tutol ang Commission on Higher Education (CHED) sa anumang unilateral class suspension sa buong Luzon dulot ng sunod-sunod na kalamidad.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, hindi ito polisiya ng komisyon.

Hindi aniya akma ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng State Universities and Colleges sa buong Luzon dahil ilang lugar lang naman ang apektado.


Dagdag ni De Vera, mas makabubuting ang pamunuan ng mga eskwelahan ang magdedesisyon kung dapat suspendihin ang klase hanggang sa Disyembre.

Kung titingnan ang mga nasalantang lugar, tanging ang Bicol Region, Rizal Province, Marikina City, Cagayan Valley at Isabela lamang ang matinding napinsala habang mas maraming lugar ang hindi naman naapektuhan.

Una dito, umani ng kaliwa’t kanang panawagan mula sa mga estudyante at ibang sektor na pansamantalang suspendihin ang klase sa kolehiyo at ipasa ang mga estudyante bilang konsiderasyon sa sunod-sunod na kalamidad na naranasan ng bansa.

Facebook Comments