Lyceum – naka-six straight win na sa 93rd NCAA

Manila, Philippines – Nakuha ng Lyceum of the Philippines (LPU) ang kanilang ika-anim na sunod na panalo kontra sa University of Perpetual Help System (UPHS) sa score na 76-58 ng 93rd NCAA Basketball Tournament na ginanap sa San Juan Arena.
Nagtala ng puntos para sa koponan ng Lyceum Pirates sina CJ Perez na may 19 points, 7rebounds, 3 assists at 2 steals habang 12 points naman kay Jasper Ayaay at 9 na puntos kay Mike Nzeusseu.

Ayon sa assistant coach ng Lyceum na si Jeff Perlas, lagi niyang pinapaalala sa kanyang mga manlalaro na maging focus sa kanilang depensa kung saan ito na rin ang dahilan ng kanilang naging panalo.

Facebook Comments