Lyceum Pirates, hindi nagpapaka-kumpiyansa laban kontra San Beda Red Lions sa finals ng NCAA Season 93

Sports – Kahit sila ang sinasabing paborito na mag-uuwi ng korona, hindi pa rin binabalewa ng Lyceum Pirates ang kakayahan na mabawian sila ng defending champion San Beda Red Lions sa best of 3 finals.

Ayon kay Lyceum coach Topex Robinson, hindi pa tapos ang laban porket wala silang talo sa double round elimination at dalawang beses nilang pinadapa ang San Beda.

Sigurado rin siya na nais ipagpatuloy ng San Beda ang winning tradition nito sa NCAA. Target ng Lions ang kanilang ika-labing dalawang kampeonato sa liga.


Magtutuos ang Lyceum at San Beda sa game 1 ng best of three finals series mamayang alas tres y media ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments