MAAARING MAGPALALA?│Kalagayan ng mga estudyanteng nabigyan ng dengue vaccine na Dengvaxia, inaalam na

Manila, Philippines – Imo-monitor ng Department of Education ang kalagayan ng mga estudyante na nabigyan ng dengue vaccine na dengvaxia.

Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng Sanofi Pasteur, ang kumpanyang gumawa sa bakuna na maaaring magkaroon ng mas malalalang uri ng dengue ang mga hindi pa naglakaroon ng dengue ngunit nabukanahan na nito.

Sa pahayag ng DepEd, mahalaga ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral kaya makikipagtulungan ang kagawaran sa isasagawang pag-aaral at konsultasyon ng Department of Health.


Taong 2016 ng ipatupad ng pamahalaan ang school based dengue immunization program gamit ang dengvaxia vaccine sa mga grade 4 student sa NCR, Central Luzon, at CALABARZON.

Facebook Comments