Maaasahan Brigade may bagong Commander

Bago na ang Brigade Commander ng 1st Mechanized Brigade. Itoy sa katauhan ni Col. Robert Dauz.
Kahapon pormal na isinagawa ang turn over ceremony sa Headquarters ng 1st Mech Brigade sa Camp Leono, Kalandagan, Tacurong City na dinaluhan ng mga matataas na opisyales ng AFP at mga opisyales mula sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Maguindanao at mga Local Chief Executives.
Pinasalamatan naman ni outgoing Brigade Commander Gen. Bismarck Soliba ang lahat ng kanyang mga nakatrabaho sa kanyang AOR. Naitalaga naman itong bagong Deputy Commander ng Mechanized Infantry Division.
Samantala pormal na ring nagpaalam sa kanyang mga nakatrabaho at nasasakupan si Lt. Col. Lauro Oliveros, outgoing BatCom ng 1st Mech Battalion. Kahapon pinalitan na ito ni Lt.Col James Fernando.
Sinasabing nadestino si Lt.Col Oliveros sa General Headquarters ng AFP.
PIC: FB Wall of PA

Facebook Comments