MAAAYOS PA KAYA? | 2 panig sa PDP-Laban committed na ayusin ang gusot sa partido

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malaca*ñ*ang na naging maganda ang resulta ng ipinatawag na caucus ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP-Laban para pag-ayusin ang dalawang nagbabanggaang panig sa partido.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, nagkasundo ang dalawang panig kagabi na magtulungan para maisaayos ang issue sa loob ng partido at hinikayat ng Pangulo ang mga ito na ilabas ang kanilang mga grievances o mga reklamo sa plenaryo ng kanilang pulong.

Magkakaroon pa aniya ng susunod pang pulong ang partido kung saan umaasa aniya ang lahat na magreresulta ng mas malakas at nagkakaisang PDP-Laban.


Hinimok din naman ni Pangulong Duterte ang dalawang panig na unahin ang kapakanan ng bayan sa lahat ng kanilang magiging desisyon.

Sinabi ni Go na mahalaga para kay Pangulong Duterte ang PDP-Laban kaya hindi ito papayag na masira ito.

Facebook Comments