MAAAYOS PA | Senate President Koko Pimentel, tiwalang maayos pa ang hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at Kuwait

Manila, Philippines – Tiwala si Senate President Koko Pimentel na maaayos pa ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Pimentel, nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan ng magsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.

Ikinumpara pa ni Pimentel ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait sa South Korea at North Korea na ngayon ay magkasundo na.


Kasabay nito, sinisi naman ni Pimentel ang ini-upload na video sa social media na umano ay pag-rescue sa mga Pinoy worker sa Kuwait.

Giit ni Pimentel, hindi lahat ng ginagawa ng gobyerno ay kailangang ibalandra sa internet.

Facebook Comments