MAAGA MAG-ASAWA | Isa sa apat na Pinay, nag-aasawa bago magdalaga

Manila, Philippines – Labinlimang porsyento (15%) ng mga Pilipina na nasa edad 20 hanggang 24 ay nakapag-asawa na o may kinakasama na bago nag-18 anyos.

Sa datos na inilahad sa Kamara, sa mga developing country gaya ng Pilipinas – isa sa kada apat na batang babae ang nakakapag-asawa agad bago magdalaga.

Pero ang ganitong child marriage ay itinuturing umano na paglabag sa karapatan ng mga bata at babae.


Dahil dito, inaasahang pagtitibayin sa kongreso ang panukalang nagbabawal sa child marriage kung saan idi-deklarang hindi valid ang kasal ng sinumang wala pa sa tamang edad.

Bukod sa early marriage, sakop din nito ang forced marriage o sapilitang pagpapakasal sa murang edad dahil ipinagkakasundo na ng mga magulang.

Umapela naman ang may-akda ng panukala sa National Commission on Muslim Filipinos at sa National Commission on Indigenous Peoples na himukin ang mga sektor na ito na magkaroon ng consensus para baguhin ang kanilang marriage practices.

Facebook Comments