MAAGA PA | Pagpapalawig ng Martial law, hindi pa napapanahon – ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana

Masyado pang maaga para magdesisyon ang Department of National Defense sa pagrerekomendang palawigin ang Martial Law sa Mindanao.

Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang sabihin ni Executive Secretary Salvador Medialdea na dahil sa nangyaring pagsabog sa Isulan sultan kudarat ay posibleng palawigin pa ang Martial law sa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, matutukoy sa mga susunod na buwan kung dapat pabang i extend ang Martial Law.


Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines sinabi ni AFP PAO Chief Col. Noel Detoyato na hindi sila magdedesisyon para mapalawig ito, trabaho aniya ng AFP ay gawin ang ipinatutupad na pulisiya may kaugnayan sa seguridad ng bansa.

Ang umiiral na martial sa Mindanao ay magtatagal hanggang sa buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments