MAAGA PA | PNP, umalma sa pahayag na magiging magulo ang midterm election

Manila, Philippines – Masyado pang maaga para sa sabihin na magiging magulo o bayolente ang gaganaping na 2019 midterm election.

Ito ang reaksyon ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, kasunod ng pahayag ni dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal na magiging magulo ang midterm election dahil sa mainit na politicial rivalry at mga patayan sa bansa.

Sinabi ni Albayalde nagpapatuloy ang kanilang assessment sa mga lugar na posibleng magkaroon ng gulo ngayong panahon ng halalan.


Bukod pa rito ang pag monitor nila sa mga lugar na tinaguriang perrenial o ang mga lugar na magulo tuwing panahon ng eleksyon.

Pero aminado naman si PNP chief na ngayon pa lamang may mga indikasyon na, na mayroong intense political rivalry sa ilang lugar sa bansa kaya may mga hakbang na silang ginawa para rito.

Isa na rito ang pag resuffle sa mga police commanders sa ground na may mga kamag anak na tumatakbo ngayong halalan.

Karamihan sa mga na resuffle na mga pulis ay sa region 4A, region 3, region 6 at ilang bahagi sa Mindanao.

Kaugnay nito, wala pang inilabas na bagong listahan ng mga election watchlist areas ang PNP.

Paliwanag ni PNP Chief mahalaga ang kumpletong listahan ng mga kandidato na ilalabas ng COMELEC, bago sila maglabas ng validated election hotspots dahil ito ang magiging basehan kung magkakaroon ng intense political rivalry sa isang lugar.

Facebook Comments