Maagang konklusyon ng COC sa South China Sea, ipinanawagan ni Pangulong Bongbong Marcos!

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ASEAN countries at sa China sa maagang konklusyon ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) na nakabatay sa international law na aniya ay nagsisilbing halimbawa kung papaano malalampasan ng mga bansa ang kanilang pagkakaiba-iba.

Sa intervention ng pangulo sa ika-25 ASEAN-China Summit, sinabi nito na ngayon ay dapat mas lalong kailangan na ma-conclude ang COC, kasabay ng ika-40 taon ng UN Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS) at ika-20 taon ng Declaration on the Code of Conduct (COC).

Ayon kay Pangulong Marcos, welcome development ang progreso sa nagpapatuloy na negosasyon para sa COC nitong nakaraang taon at umaasa ang pangulo na maa-aprubahan ang COC sa lalong madaling panahon.


Binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod sa UNCLOS bilang universal framework sa mga aktibidad sa karagatan.

Samantala, natalakay rin ng pangulo ang ginagawang pag-recover ng Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.

Ipinunto nito na isa sa mga paraan upang maprotektahan ang mamamayan ng bansa ay ang pagtitiyak ng food security, pangangalaga sa kapaligiran at resources.

Facebook Comments