MANILA – Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (dole) sa mga kumpanya na dapat ibigay sa tamang panahon ang 13th month pay sa kanilang mga empleyado.Ayon kay Secretary Silvestre Bello III, nagiging produktibo ang mga empleyado kapag naibibigay sa oras ang kanilang mga benepisyo at pribilehiyong itinatakda ng batas.Ipinunto pa ni Bello, na itinakda ng batas na dapat naibigay na sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay ng hindi lalagpas sa Disyembre 24 ng bawat taon.Sakaling mabigo naman ang isang kumpaniya na ibigay ang 13th month pay sa kanilang manggagawa, dapat maisampa agad ang reklamo sa Regional Labor Office ng hindi lalagpas sa Enero 15 ng kasunod na taon.
Facebook Comments