Cauayan City, Isabela- Tinalakay ng Pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang Teenage Pregnancy sa pamamagitan ng virtual symposium sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kasabay ng pagdiriwang sa National Children’s Month.
Batay sa datos ng Civil Registration and Vital Statistics Systems sa teenage pregnancy rate sa Region 2 mula noong 2017 hanggang 2020, ang Isabela ang may pinakamataas na Teenage Pregnancy Rate (TPR) na sinusundan ng Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Mula naman sa apat (4) na Lungsod sa rehiyon dos, nangunguna ang City of Ilagan sa may pinakamataas na Teenage Pregnancy rate na sinundan ng Santiago City.
Sa 34 na bayan sa Isabela, pinakamataas naman ang TPR ng San Mariano sumunod ang mga bayan ng Dinapigue, Roxas, San Guillermo, San Manuel, at San Mateo.
Nabatid na ang edad ng mga kabataang nabubuntis ay nasa 10 hanggang 14 taong gulang.
Ayon naman kay Ms. Herita Macarubbo, Regional Director ng Commission on Population (POPCOM) Region 2, isinagawa ang Virtual Youth Symposium on Teenage Pregnancy amidst COVID-19 pandemic upang paalalahanan at hikayatin ang mga kabataan na huwag nang dumagdag pa sa bilang ng mga kabataang maagang nabuntis.