Maagang pagdagsa ng mga tao sa sementeryo bago mag-Undas pinaghahandaan ng PNP

Ngayon pa lang ay inutos na ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga police commanders na makipag-ugnayan na sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) ang pag-secure ng mga sementeryo para sa darating na undas.

Ayon sa PNP chief, dahil inanunsyo na ang pagsasara ng mga sementeryo sa Undas, inaasahan na nila ang maagang pagdagsa ng mga tao sa mga libingan para dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Matatandaang isinara rin noong nakarang Undas ang mga sementeryo dahil sa pandemya.


Inutos ni Eleazar ang maagang pagtatayo ng mga Police Assistance Desks sa mga libingan para umalalay sa mga mamayan at limitahan ang mga bilang ng mga tao sa sementeryo.

Paalala ni Eleazar dapat na masiguro nilang masusunod ang mga health protocols para hindi maging super-spreader event ang pag-obserba ng Undas.

Facebook Comments