Asahan na ang pagtaas ang daily average cases ng COVID-19 matapos maitala ang unang kaso ng bagong variant sa bansa.
Ito ang babala ng Malacañang matapos ihayag ng epidemiologist Dr. John Wong na ang COVID-19 variant ay 56% na mas nakahahawa kumpara sa original strain.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang maitatalang kaso sa loob nito sa isang buwan.
Wala pang naiuulat na anumang kaso ng local transmission ng bagong COVID-19 variant sa bansa.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bagong variant ay isang ‘bagong halimaw’ at ipinapanalangin niya na hindi ito mabagsik kumpara sa nauna nitong strain.
Facebook Comments