Ibinabala ni Parañaque 2nd District Representative Gus Tambunting ang posibleng pagdami ng election-related violence dahil lubhang maaga ang itinakdang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Hulyo 3 hanggang 7.
Paliwanag ni Tambunting, ang mahabang election period ay maaaring magdulot ng matinding tensyon sa pagitan ng mga magkakalabang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Diin pa ni Tambunting, ang mga opisyal ng barangay ay may tungkuling pangalagaan ang peace and order sa kanilang mga komunidad at kung pahahabain ang ‘election season’ ay maaaring makompromiso ang kapayapaan.
Dagdag pa ni Tambunting, ang mahabang panahon ng eleksyon ay papabor lamang sa mga kandidato na may mas mahabang pisi o resources na nakapagtatag na ng mga networks habang dehado naman ang mga kandidatong kulang sa pondo.