Maagang paghahanda sa seguridad ng Eleksyon 2022, sinimulan na ng PNP

Inutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na sa lahat ng unit at area commanders na simulan nang paghandaan ang seguridad para sa payapa, tapat at maayos na pagsasagawa ng eleksyon sa Mayo sa susunod na taon.

Ayon kay Eleazar, ang maagang paghahanda sa seguridad ay napatunayang epektibo upang pigilan ang mga karahasan at iba pang aktibidad na maglalagay sa integridad ng local at national election sa kompromiso.

Kabilang sa ipinapagawa ni Eleazar ang monitoring at accounting hindi lamang ng mga private armed group kundi ang maging ang mga loose firearm.


Samantala, sisimulan na rin ng PNP na makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa seguridad ng eleksyon sa mga lugar na may mataas na presensya ng mga armadong grupo, lalong lalo na ng CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments