Binigyang diin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na dapat maagang nagpapakawala ng tubig ang mga dam bago ang inaasahang pagtama ng bagyo para mabawasan ang matinding pagbaha.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, lumala ang pagbaha sa Cagayan Province nang magbukas ang halos na lahat ng gates ng mga dam.
Sinabi ni Año, kailangang magbukas ng gates ang mga dam kapag mayroong forecast hinggil sa dami ng ulang ibabagsak o rainfall volume.
Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay dapat mabigyan ng awtoridad na kontrolin ang pagbubukas ng mga dams lalo na kung may bagyo.
Punto pa ni Año, ang mga LGUs sa Region 3, 4 at Metro Manila ay batid na nakakadagdag sa pagtaas ng baha ang paglalabas ng tubig sa mga dam.