Maagang pagpapa-bakuna ng mga batang babae, mabisang paraan kontra cervical cancer ayon sa mga health expert

Ang pagbabakuna pa rin sa mga babaeng may edad 9 hanggang 14 na taon ang pinakamabisang paraan para labanan ang pagkalat ng cervical cancer sa bansa.

Ito ang sentro ng isinagawang 10th Human Popilloma-Virus Online Summit na naglalayong gawing cervical cancer-free ang Pilipinas pagsapit ng taong 2030.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary for Public Health Services Dr. Rosario Vergeire, ang cervical cancer ay isang vaccine-preventable at nagagamot na uri ng cancer.


Batay sa pag-aaral ng mga health expert, siyam sa sampung bagong kaso ng cervical cancer ay pawang galing sa low-to-middle-income countries na limitado lamang ang access sa vaccination at screening.

Makakatulong anila ang regular screening para ma-detect ang pre-cancerous lesions sanhi ng Human Papilloma Virus (HPV) na karaniwang sanhi ng cervical cancers.

 

Facebook Comments