Maagang Pamimili Ng Mga Panghanda Ngayong Pasko, Ipinaalala Ng Grupo Ng Mga Supermarkets Sa Bansa

17

MANILA – Apatnaput walong araw bago ang pasko, ngayon pa lang ay hinimok ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association ang publiko na simulan nang bumili ng mga produktong pang-Noche Buena at Media Noche.Ayon kay President Steven Cua, ito ay upang makamura lalo na’t wala pang pagtataas sa presyo ng mag Noche Buena products na siyang kakailanganin ngayong panahon ng kapaskuhan.Magandang samantalahin aniya ang pagkakataon hangga’t mura pa ang mga produkto.Nabatid na hindi na rin epektibo ang price freeze sa mga pangunahing bilihin noon pang Nobyembre 3 kahit pa umiiral pa rin ang idineklarang State of Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa mga nangyayaring karahasan o lawless violence sa bansa.

Facebook Comments