Tinalakay ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan sa Asingan ang pagpapatibay ng koordinasyon at sistema para sa maagap na paghahanda sa anumang sakuna.
Layunin ng pagpupulong na mapanatiling ligtas ang mga residente sa pamamagitan ng mas organisado at mabilis na pagtugon sa anumang emergency.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalakas ng disaster preparedness, tamang paglalagay ng mga kagamitan, at pagpapatuloy ng mga drills sa bawat barangay.
Matatandaang nakaranas ng malawakang kawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng bayan matapos patumbahin ng Bagyong Uwan ang ilang poste ng kuryente.
Facebook Comments









