Maaktuhang gumagawa ng anumang drug activities, aarestuhin pa rin ng PNP

Manila, Philippines – Sa kabila na inalis na sa Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.

Nilinaw ng PNP na aarestuhin pa rin nila ang sinuman indbibdwal na maaktuhang gumagawa ng anumang drug activities.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, ipapatupad nila ang in flagrante delicto o ang pag-aresto sa isang indibidwal na naaktuhang nagsasagawa ng anumang iligal na gawain.


Ito aniya ay bahagi ng kanilang focus ngayon na mas paigtingin ang anti-criminality campaign at PNP internal cleansing.

Pero nilinaw ni Carlos na matapos na maaresto ang isang indbidwal dahil sa drug activity ipapasa pa rin nila sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pag-iimbestiga sa kaso.

Facebook Comments