Nararanasan ang maalinsangang panahon ngayon sa kabila ng umiiral na Amihan Season dahil sa epektong dulot ng El Niño Phenomenon.
Sa Dagupan City, naglalaro sa 40 hanggang 44 degree Celsius ang naitatalang mga heat indices ng PAGASA Dagupan at kabilang ito sa Extreme Caution at Danger Category.
Asahan umano ang mas maalinsangang init ng panahon bunsod pa easterlies kasabay ng tumitinding epekto ng El Niño na magdudulot ng tagtuyot at dry spells.
Pinapayuhan ang lahat na maging alerto sa maaaring maging epekto nito sa katawan at kalusugan lalo na at muling dumami ang nakararanas ngayon ng ubo at sipon dahil sa pabago-bagong panahon.
Samantala, inaasahan na magtatagal ang nararanasang El Nino hanggang sa second quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments