Maaliwalas na panahon, asahan ngayong araw

Maaliwalas na panahon ang asahan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – nakakaapekto sa ang easterlies sa silangang bahagi ng bansa.

Ang buong Luzon ay may maliit na posibilidad na umulan.


Maganda rin ang panahon sa buong Kabisayaan at Mindanao maliban sa mga isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning kaya ligtas na makakapalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments