Maaliwalas ang panahon ang asahan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA – walang sama ng panahon ang nakikitang mamumuo sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Patuloy ding umiiral ang hanging amihan sa dulong hilagang Luzon.
Pero may mahihinang ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa amihan.
Maalinsangan din naman ang panahon sa Palawan, Visayas at Mindanao pero mataas ang posibilidad ng ulan dulot ng localized thunderstorms.
Kasalukuyang nasa 21°C ang temperatura sa Baguio City habang sa Tagaytay ay nasa 26°C.
Narito pa ang temperatura sa sumusunod na lugar:
– Metro Manila: 23 hanggang 32°C
– Metro Cebu: 23 hanggang 29°C
– Metro Davao: 22 hanggang 30°C
Facebook Comments