Maaliwalas na panahon sa Metro Manila, asahan ngayong araw

Tuluyan nang nalusaw ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na nasa eastern part ng Mindanao.

Pero sa kabila nito, isa namang LPA ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang alas 3:00 ng madaling araw.

Namataan ang panibagong LPA sa layong 40 kilometers east ng Zamboanga City kung saan malaki ang posibilidad na malusaw ito sa loob ng 24 oras.


Magdadala ang LPA ng pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at Soccsksargen.

Habang maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Sunrise – 5:31 AM

Sunset – 6:29 PM

Facebook Comments