Manila, Philippines – Maari pang magpiyansa si Cong. Imelda Marcos kahit na convicted na ito sa kasong six counts ng graft.
Ayon kay Atty. Tony La Viña, hindi pa naman pinal ang hatol kay Ginang Marcos dahil maari pa itong iakyat sa Korte Suprema.
Habang nasa proseso aniya ng pag apela sa kanyang hatol ang isang convicted, may karapatan itong magpiyansa sa ilalim ng batas.
Ang hatol ng Sandiganbayan kay Marcos ay anim hanggang 11 taon pagkakakulong sa bawat count ng graft charges.
Facebook Comments