Mayor ng Rio de Janeiro sa Brazil, inaresto dahil sa umano’y korapsyon

Inaresto ng mga otoridad si Rio de Janeiro Mayor Marcelo Crivella matapos ang umano’y kinasasangkutan nitong korapsyon, siyam na araw na lang bago magwakas ang kaniyang termino.

Ayon kay Rosa Helena Penna Macedo Guita, Leading Judge sa imbestigasyon, itinuturing na pinuno ng criminal organization si Crivella sa Rio de Janeiro sa Brazil kung saan sangkot aniya ito sa ilang pangingikil.

Itinanggi naman ni Crivella ang mga paratang at sinabing buong termino niyang nilabanan ang korapsyon sa bansa.


Nabatid na bago si Crivella, aabot sa limang Rio State Governors ang inimbestigahan ng mga otoridad na may kaugnayan din sa korapsyon kung saan apat dito ang nakulong.

Facebook Comments