Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ng isang maayos at mapayapang pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong araw para maprotektahan ang karapatan ng mamamayan.
Bunsod nito ay umaapela si Speaker Romualdez, sa lahat ng kandidato sa BSKE at kanilang mga tagasuporta na huwag gumamit ng dahas at yakapin ang tunay na espiritu ng demokrasya.
Paalala ni Romualdez, ang barangay ang nagsisilbing pundasyon ng pamahalaan sa ating bansa kaya kailangang maidaos ang halalan ngayon nang maayos at may pagrespeto sa umiiral na batas.
Giit ni Romualdez, ang tunay na lakas ng ating demokrasya ay nakasalalay sa ating kakayahan na pumili ng ating local leaders sa mapayapang paraan at hindi bunga ng pananakot o pamimilit.