Maayos at matitibay na evacuation centers, ipinanukala ni VP Robredo

Ipinanawagan ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na suportahan ang disaster preparedness programs.

Partikular na binigyang diin ng Bise Presidente ang maayos na evacuation centers sa mga komunidad na matinding tinatamaan ng mga kalamidad.

Ayon kay Robredo, kailangang ayusin ang mga public infrastructure lalo na ang mga eskwelahan na kadalasang ginagamit na evacuation centers kapag may kalamidad.


Suhestiyon ng Bise Presidente na gawing multi-story ang mga eskwelahan at nakadisenyong matatag laban sa mga malalakas na hangin at ulan.

Sa paraan aniyang ito, matitiyak na ligtas ang mga lumikas na residente.

Dagdag pa ng Bise Presidente, mahalagang paghandaan ng mga komunidad ang mga bagyo at nakalatag ang evacuation plan.

Facebook Comments