Maayos at tahimik na plebisito bukas, ipinanawagan

Kumpiyansa ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na magiging maayos at tahimik ang ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lanao del Norte at pitong munisipalidad ng North Cotabato bukas.

Umapela si NCMF Director Dimapuno Datu Ramos Jr., sa lahat, Muslim man o Kristiyano na makiisa sa halalan at gamitin ang kanilang karapatan na bumoto.

Nanawagan na rin siya sa mga botante na suportahan ang BOL na isa sa mga agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa kagustuhan na makamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao at maipaliwanag sa tao ang impormasyon tungkol sa laman ng BOL, nagsagawa ng Caravan for Peace and BOL ang iba’t-ibang stakeholders kahapon sa Maigo, Kulambugan, Kauswagan at Bacolod sa Lanao del Norte.

Ang aktibidad ay kampanya para sa isang credible and fair plebiscite sa ikalawang bahagi ng ratipikasyon ng BOL sa nabanggit na mga lalawigan.

Sa unang plebesito majority ay bumoto ng yes para maitatag ang bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments