MAAYOS | Brgy. at SK elections, naging mapayapa, mga pulis na nagsilbi sa halalan pinasalamatan ng pamunuan ng NCRPO

Manila, Philippines – Sinabi ni NCRPO Director Camilo Cascolan na naging payapa sa kabuuan ang katatapos pa lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa kalakhang maynila

Maliban sa tatlong insidente, ang dalawang kaso ng mauling at vote buying sa Taguig.

Pinuri naman nito ang mga tauhan ng NCRPO na walang pagod na naglingkod para sa ikatatagumpay ng nagdaang halalan.


Sinabi pa ni Cascolan, Ito na ang pinaka payapang eleksyon na kanyang napagsilbihan bilang isang pulis.

Isa sa mga natutunan ni Cascolan ay dapat i-educate ang mga botante tungkol sa eleksyon kung ano ang totong ibig sabihin ng eleksyon nang sa gayon ay maiwasan ang mga ‘di pagkakaunawaan.
Ngayong tapos na ang halalan tuloy tuloy parin aniya ang anti criminality operation ng lahat ng Police District sa Metro Manila.

Facebook Comments