Maayos, malinaw at konkretong plano ni VP Leni, hatid ay pagbangon ng ekonomiya ng bansa

Prayoridad ni Vice President Leni Robredo na solusyunan sa pamamagitan ng maayos at malinaw na plano ang kinakaharap na pandemiya na lubhang nagpapahirap sa mga maralitang Pilipino.

Sa pinirmahang kasunduan ni VP Leni at ng koalisyon ng maralitang mamamayan, ang LENI Urban Poor o LENI UP nitong Lunes, ika-31 ng Enero, unang-una sa listahan ng mga gagawin ni VP Leni kapag siya ang nahalal na Presidente ay ang sulusyunan ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon sa pinirmahang kasunduan, Ilalapit ang mga bakuna sa mga malalayong kanayunan kung saan marami ang mga maralitang Pilipino. Magbibigay din ng sapat na pasahod at suporta sa mga mangggagawa at institusyong pangkalusugan.


Makakaasa ng sapat na ayuda ang mga pamilyang higit na apektado ng pandemya at lilikha din ng pansamantalang trabaho sa mga nangangailangan.

Titiyakin ni VP Leni na kasabay ng paglago ng ekonomiya ang pag-angat din ang kabuhayan ng karaniwang mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatatag ng mga proteksyon at kasiguruhan sa kabuhayan at trabaho, kalusugan at edukasyon, at pabahay.
Matagal nang nabuo ang maayos, malinaw at kongkretong plano ni VP Leni na Kalayaan sa Covid19. Nobyembre pa lang ng nakaraang taon ay nailatag na ni VP Leni ang mga plano upang masolusyunan ang kinakaharap na pandemiya.

Sa isang panayam kay VP Leni, pinaliwanag niya ang tatlong kategorya ng Kalayaan sa Covid Plan. Ito ay ang Kalayaan sa Pangambang Magkasakit na layong ayusin ang healthcare system ng bansa. Pangalawa ang Kalayaan sa Gutom na nakatutok naman sa pagtulong sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemiya at ang pangatlo ay ang Kalayaan sa Kakulangan sa Edukasyon na layong tugunan ang problema sa edukason.

“Ang ating pinaka tinutulak ngayon na ‘yung mga low risk areas, dapat balik eskwela na. Siguraduhin lang na nabakunahan na ‘yung mga teachers ‘saka ‘yung mga estudyanteng pwede nang bakunahan. Siguraduhin na ‘yung sapat na access sa testing, ‘yung sapat na protocols ay inaasikaso. Sa high-risk areas naman, siguraduhin na bawat estudyante ay may gadget, bawat lugar may internet services,’ ayon kay VP Leni.

Facebook Comments