
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga ipatutupad na Holy Week plan para sa Maharlika Highway.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni DPWH Sec. Vince Dizon na target nila na maging maayos at wala nang problema ang biyahe ng mga motorista sa Maharlika Highway bago ang Mahal na Araw.
Kabilang sa nasabing plano ang pagtatanggal ng mga sagabal sa highway, at ang pansamantalang pagtatapal sa mga daan na hindi pantay.
Aniya, dapat ay matapos na ang mga gawaing ito bago matapos ang buwan ng Marso lalo na’t inaasahan na daragsa o maraming motorista ang daraan dito.
Bukod diyan, nais din ng kalihim na lagyan ng temporary solution ang iba pang kalsada na hindi pa sakop ng isinasagawang pagsasaayos ng Maharlika highway.
Ilan sa mga ito ay paglalagay ng aspalto sa mga lubak-lubak na kalsada para madaan nang maayos ng mga motorista.










