Tiniyak ng Malacañang na magkakaroon ng maayos na koordinasyon para sa mga polisyang may kinalaman sa pagtugon sa pandemya.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag ng ilang alkalde ang kanilang pagkadismaya dahil tila napag-iwanan sila sa plano ng pamahalaan na luwagan ang restrictions sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagkaka-alam nila ay ipinagbibigay alam ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga resolutions ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga alkalde sa kanilang meetings.
Humingi naman ng paumanhin si Roque sa mga lapses o pagkukulang.
Inalok ni Roque ang kanyang opisina para maayos ang coordination sa Local Government Units kapag may inilalabas na resolution ang IATF.
Facebook Comments