Maayos na implementasyon ng 2026 budget, ipinauubaya na sa Ehekutibo

Ipinagkakatiwala na ng Senado sa Ehekutibo ang maayos na implementasyon ng 2026 national budget.

Ito’y matapos ratipikahan kahapon ng Senado at Kamara ang P6.793 trillion na pambansang pondo sa susunod na taon.

Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, ipinauubaya na nila sa executive department ang pagpapatupad ng budget habang binabantayan ng Senado ang implementasyon nito.

Umaasa si Zubiri na hanggang sa mga susunod na Kongreso ay maipatupad din ang transparency at ito na ang maging “new normal” sa budget process.

Magmula aniya sa unang pagdinig hanggang sa pinakahuling proseso ay naging bukas ang Kongreso sa bawat ganap, galaw at mga dokumentong kailangang malaman ng publiko.

Bago rin aniya maratipikahan ang pambansang pondo ay dumaan muna ang budget sa matinding verification at tiniyak na tugma ang bicam committee report sa enrolled copy na isinumite sa pangulo.

Facebook Comments