Maayos na implementasyon ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act, hiniling ng Kamara

Isinusulong ni Deputy Speaker Loren Legarda na maipatupad ng maayos ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act.

Sa gitna na rin ito ng paglikas sa mga residente malapit sa Bulkang Taal dahil sa patuloy na pagaalburuto nito sa mga nakalipas na araw.

Hirit ni Legarda, kailangang mapangasiwaan ang tamang implementasyon ng batas para sa ligtas na paglikas at pangangalaga sa mga residente ng Batangas.


Kabilang na rito ang mahigpit na pagsunod sa health protocols dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Umapela rin ang kongresista sa lokal na pamahalaan na sundin ang mga hakbang na nauukol sa Disaster Risk Reduction upang maipatupad ang ‘zero casualty’ at matulungan ng maayos ang libu-libong residenteng apektado sa Bulkang Taal.

Hinimok din ni Legarda ang mga residente na sumunod sa inuutos ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at mga otoridad na lumikas at lumayo sa kapahamakan mula sa nag-aalburutong bulkan.

Facebook Comments