MAAYOS NA KALAGAYAN | 19 na pasahero ng tumaob na motorbanca sa Surigao City, ligtas na

Surigao City – Nasa maayos na kondisyon na ang 19 na pasahero at 3 tripulante ng tumaob na motorbanca na Aldrin sa karagatang sakop ng Base Port, Surigao City.

Agad na nagpadala ng rescue team ang Philippine Coast Guard sa lugar makaraang makatanggap ng ulat kaugnay sa lumubog na motorbanca, 200 meter ang layo mula sa Surigao Base Port.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na tutungo sana sa Barangay Talavera, Taganaan, Surigao del Norte ang motorbanca nang palubugin ito ng malakas na alon.


Sa kasalukuyan, nasa maayos na kondisyon na ang mga pasahero at tripulante at naihatid na pabalik sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments